Sunday, November 15, 2015

Wikang Filipino: Paano ka ba matututunan?


"ANG KALAGAYAN NG IBONG IYAN AY NASA PALAD MO"

Isa sa mga binitawang pahayag ni Pilosopong Tasyo sa nobela ni Jose Rizal na El Filibusterismo. Pahayag na tunay na tumatak sa aking isipan bilang isang guro sa Filipino. Oo, tama! Nasa kamay nating mga guro kung paano matututo ang ating mga mag-aaral.

Sa patuloy nating pagsabay sa agos ng modernong mundo. Sa dami ng iba't ibang paraan na ginagamit ng mga kabataan sa pakikipagtalastasan, isa ang katanungang pumasok sa aking isipan... Wikang Filipino: Paano ka ba matututunan???

Mahaba-habang panahon ang inilaan ng maraming pantas sa larangan ng pag-aaral ng wika upang maipaliwanag kung paano natututuhan ang wika. Ngunit totoong mailap ang mga kasagutan dito, at ito ang malaking hamon sa ating bilang mga guro sa wika, Tunay na malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo at pagkatuto ng wika.

 Sinasabing makapangyarihan at pangunahing kodigo ng komunikasyon ang wika. Ito ay susi na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa ating lipunan. Ito ang ating paraan upang magkaunawaan, magkaisa at mabuhay nang payapa ang mga tao. Kaya tunay namang kailangang matututunang mabuti ng ating mga mag-aaral ang wika, at ang pagkatutong ito ay nasa ating mga kamay.



Bilang isang guro, dapat nating malaman ang ibat't ibang simulain sa pagkatuto at pagtuturo ng wika, SIMULAING KOGNITIBO na may kaugnayan sa mga tungkuling mental at intelektwal, SIMULAING PANDAMDAMIN na ang pokus ay ang emosyon ng tao, at SIMULAING LINGGWISTIK na kung saan nakapokus mismo sa wik at kung paano ang mga mag-aaral ay nakikibagay sa isang masalimuot na sistemang pangliggwistika.


Hindi rin dapat natin isinaawalang bahala ang ating mag-aaaral, nararapat nating maunawaan na hindi natututunan ang wika sa mabilisang panahon, ito ay nangangailangan ng proseso at positibong pananaw. Dapat nating maihanda ang ating mga mag-aaral sa pagkatuto ng wika at upang maisakatuparan ito, dapat natin silang makilala ng lubusan upang ang mga istratehiya na ating gagamitin ay naaangkop sa kanilang interes at pagkawili. Dapat nating maunawaan ang kanilang pagkakaiba-iba.

Ngunit, dala marahil ng pagsabay natin sa inog ng modernong mundo, nakalulungkot isipin na marami sa kabataan ngayon ang nakalilimot magpahalaga sa ating sariling wika. Mas binibigyang pansin nila na maging bihasa sa paggamit ng wikang ingles. Idagdag pa natin ang katotohanan na patuloy na usapin ukol sa  pagsusulong ng ilan na alisin ang Wikang Filipino bilang bahagi ng kurikulum sa kolehiyo. Hindi masama ang pagsabay sa globalisasyon ngunit hindi ito dahilan upang hayaan nating mamatay ang pamanang sumisimbolo sa pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino. Hindi ito dahilan upang hayaan nating mawala ang diwa ng ating wika.


Bilang guro sa wika, hindi sapat na maituro lamang natin sa ating mga mag-aaral ang mga kaalamang teoretikal at gramatikal ukol sa wika, higit sa lahat dapat nating maipaunawa sa kanila na marapat nating pahalagahan, pakaingatan at mahalin ang ating wika. Ito marahil ang tunay na kasagutan sagot sa aking katanungang "Wikang Filipino: Paano ka ba matututunan?"

Wikang Filipino'y isa-puso at isa-isip, huwag ikahiya!

1 comment:

  1. Play Online Casino Malaysia - KDAMP-TV
    Play Online Casino Malaysia. Play kadangpintar Online Casino Malaysia - KDAMP-TV. Get ready for some fun! Online Casino Malaysia. 샌즈카지노 Sign 인카지노 up now. Rating: 5 · ‎9 votes

    ReplyDelete